ZAMBOANGA CITY – Pinaghahanap ng pulisya ang isang babaeng bilanggo na umano’y tumakas sa pagamutan na kung saan ito dinala dahil sa pananakit ng tiyan.
Nabatid na 8 buwang buntis si Floramar Satim at nagreklamo ito ng matinding sakit sa kanyang tiyan kung kaya’t agad itong isinugod sa pagamutan nitong gabi ng Martes.
Natakasan ni Satim ang dalawang bantay nitong sina PO1 Alsid Bungkak at PO1 Julhada Tungupun. Ayon sa pulisya, ipinasaok sa emergency room ng Zamboanga Medical Center si Satim at ipinagbawal naman ng duktor ang dalawang bantay sa loob nito kung kaya’t sa labas na lamang sila naghintay.
Ngunit laking gulat na lamang nila ng mabatid na wala na si Satim – na nahaharap sa kasong droga – sa emergency room.
Hindi naman mabatid kung paanong natakasan ni Satim ang dalawang gayun sinabi ng mga bantay na nasa labas lamang sila ng emergency room. Patuloy naman ang paghahanap sa bilanggo, ngunit hindi agad mabatid kung mahaharap sa kaso ang dalawang bantay dahil sa kanilang kapabayaan. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News