DAVAO CITY – Inanunsyo ngayon ng New People’s Army ang pagkakapatay sa 4 sundalo at pagkasugat ng 8 iba sa atakeng isinagawa kontra mga sundalo sa Calinan District sa Davao City.
Sinabi ni Parago Sandoval, isa sa mga tagapagsalita ng NPA, na nilusob ng mga rebelde ang grupo ng 69th, 84th at 71st Infantry Battalions sa Barangay Dalagdag kamakailan lamang at nakumpiska rin umano ng mga ito ang ibat-ibang armas – isang M203 grenade launcher, dalawang automatic rifles, 400 bala ng M60 machine gun, 200 bala ng K3 machine gun, 8 army packs,5 combat boots, 34 magazine, 10 military vest, at mga dokumento kabilang ang isang mapa at mga cell phones.
Nagtagal umano ng 2 oras ang labanan at walang inulat si Sandoval na casualties sa kanilang hanay.
“The tactical offensive proved that a just war will always prevail in the face of the enemy’s cunning and trickery. It was part of the 1st PBC’s campaign against the 15 columns of AFP units operating in Calinan, Buhangin and Paquibato districts, Davao City.”
“It was a fitting punishment against the brutal operations of the Oplan Bayanihan counter-revolutionary forces who have instigated aerial bombing last March 23 and 26 and in a separate occasion last April in Paquibato,” ani Sandoval sa ipinadalang pahayag sa Mindanao Examiner Regional Newspaper.
Ayon kay Sandoval, matindi ang human rights violations ng militar sa mga sibilyan at natibo sa Davao at pilit umano itong itinatago ng Eastern Mindanao Command at 10th Infantry Division mula sa publiko at media.
“True to their cruel form, the AFP troops trained their guns against the masses in cowardly vengeance. They mauled the residents and filed trumped-up charges against progressive leaders and members of Paquibato peasant organizations who were not deceived by their nefarious psychological warfare schemes,” ani Sandoval.
“No matter how the 10th Infantry Division and Eastern Mindanao Command try to conceal it by declaring Paquibato as peace and development-ready, Red fighters raise the banner of enduring sacrifice by launching tactical offensives and daring counter-attacks against the enemy. The people’s army, thus, urge foot soldiers and AFP junior officers to abandon its headquarters and detachment, denounce the US-Aquino regime, and side with truth and justice for the interest of peasants, workers and other basic sectors,” dagdag pa ni Sandoval.
Tikom naman ang bibig ng mga opisyal ng militar sa opensiba ng NPA sa Davao City na kilalang kuta ng rebeldeng grupo na matagal ng nakikibaka upang maitatag ang sariling estado sa bansa. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News