DAVAO CITY – Apat na katao ang minasaker sa Davao City, ngunit blangko pa rin ang mga awtoridad sa kung sino ang nasa likod na karumal-dumal na krimen.
Tatlong babae at isang lalaki ang natagpuan patay sa loob ng bahay sa Residencia del Rio Subdivision sa Barangay Catalunan Pequeño sa Talomo District. At ayon sa ulat, tadtad ng saksak sa katawan ang mga biktima at kabilang sa mga angulong sinisipat ngayon ng pulisya ay pagnanakaw.
Hindi naglabas ng anumang impormasyon ang pulisya sa naganap na krimen at maging si Mayor Rodrigo Duterte ay hindi makunan ng pahayag ukol sa naganap sa kanyang lugar.
Patuloy ang imbestigasyon sa naganap. Hindi mabatid kung may CCTV sa naturang subdivision. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News