ZAMBOANGA CITY – Mistulang nasakluban ng langit at lupad ang isang parak matapos na umano’y matagpuan nito ang kanyang asawa na may kasamang lalaki sa loob mismo ng kanilang bahay sa Zamboanga City.
Dahil dito ay nabaril ng parak, na miyembro pa naman ng Special Action Force na nakadestino sa lalawigan ng Tawi-Tawi, ang lalaki na diumano’y kalaguyo ng asawa nito.
Kinumpirma naman ni Insp. Dahlan Samuddin, ang regional police spokesman, ang naturang insidente at sinabi nitong agad rin sumuko ang 38-anyos na parak matapos ng pamamaril.
“He shot the victim who was caught with his wife inside their residence,” ani Samuddin.
Naisugod naman ang biktima sa pagamutan dahil sa tama ng bala sa ulo. Hindi naman pinangalanan ni Samuddin ang lalaki at wala itong sinabi ukol sa babae.
“Victim, an alleged paramour, sustained gunshot wound in the right portion of his temple and he was rushed to Zamboanga Peninsula hospital for treatment. On the other hand, suspect voluntarily surrendered himself to the police and turned-over his issued firearm – a 9mm Glock pistol with one magazine loaded with 18 ammunition,” dagdag pa ng opisyal.
Nakapiit na umano sa bilangguan ang naturang parak habang patuloy ang imbestigasyon sa naganap kamakalawa lamang ng gabi. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News