ZAMBOANGA SIBUGAY – Patay ang isang 50-anyos na lalaki at sugatan naman ang isa pa matapos silang pagbabarilin sa bayan ng Kabasalan sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay.
Ayon sa pulisya, dead on the spot si Danny Gulmatico at sugatan naman si Christian Cortel, 19, sa nasabing pamamaril na naganap kamakalawa ng gabi sa Barangay Santa Cruz.
Parehong may asawa ang dalawang biktima, ngunit hindi pa mabatid ang motibo sa atake.
Sinabi ni Insp. Dahlan Samuddin, ang regional police spokesman, na patuloy ang imbestigasyon sa kaso. Hindi naman mabatid kung bakit nasa lugar ang dalawang lalaki.
Tadtad umano ng tama ng bala si Gulmatico ng madatnan ng mga parak. Agad naman isinugod sa Kabasalan Pathfinder Hospital si Cortel at wala pa itong ibinibigay na pahayag sa pulisya ukol sa naganap. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/
Share The News