KIDAPAWAN CITY – Mistulang sinakluban ng langit ang maraming pamilya sa bayan ng Banga sa South Cotabato matapos na hagupitin ng buhawi ang isang barangay doon.
Nabatid kahapon sa pamahalaang lokal na mahigit sa 30 kabayan at paaralan ang binayo ng ipo-ipo nitong hapon ng Linggo. Ilang katao rin ang nasaktan matapos na ragasain ng malakas na hangin at mga alikabok at debris ang Barangay Cabudian.
Wala naman inulat na nasawi sa naturang kaganapan, ngunit malaking perwisyo ang sinapit ng mga dinaanan ng buhawi dahil nasira o halos mawasak ang kanilang mga kabahayan, gayun rin ang ilang silid-aralan ng K. Ladot Elementary School na hanggang kahapon ay suspindido pa rin ang klase.
Sinigurado naman ng lokal na pamahalaan na tutulungan ang mga biktima ng buhawi. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/
Share The News