DAVAO CITY – Pinatay diumano ng mga rebeldeng New People’s Army ang isang natibo habang nagsasaka ito sa bayan ng Kapalong sa Davao del Norte province.
Sinabi ni Capt. Alberto Caber, ang tagapagsalita ng Eastern Mindanao Command, na halos 40 mga rebelde ang dumating sa Barangay Suason kamakalawa ng tanghali at niratrat si Roger Bato, 31.
Dalawa umano sa kasamahan ni Bato ang nakatakas. Hindi pa mabatid ang dahilan o motibo sa pagpatay kay Bato o kung ito ba ang isang espiya o asset ng militar sa lugar kung kaya’t binanatan siya ng mga rebelde.
Hindi naman agad makunan ng pahayag ang NPA ukol sa naganap at hindi rin sinabi ni Caber kung paanong natukoy na mga rebelde nga ang pumaslang sa biktima na isang warrior ng tribong Bagani.
Sinabi naman ni Caber na patuloy ang paghahanap ng mga sundalo sa naturang gupo ng mga armado upang papanagutin sa kanilang krimen.
Matagal ng nakikiba ang NPA upang maitatag ang sarili nitong estado sa bansa. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/
Share The News