
DAVAO CITY – Halos pagsawaan na ng mga residente dito ang masarap na durian dahil sa dami ngayon ng supply na bumabagsak sa palengke.
Pinakamababang presyo ng durian ngayon ay nasa P20 bawat kilo kung ihahambing sa mga nakalipas na buwan na kung saan ay pumalo pa ito sa P60 kada kilo. Bukod sa durian, nagkalat rin ngayon sa Davao ang mangosteen na mabibili lamang sa halagang P30 bawat kilo; at maging ang mangosteen ay makikita rin sa ibat-ibang pamilihan dito sa murang halaga – P25 kada kilo.
Maging ang lanzones at langka ay marami ri ang supply kung kaya’t hindi magkadaugaga ang mga residente sa pagkain ng mga murang prutas ngayon.
Kilala ang Davao sa durian nito, ngunit bukod sa naturang prutas ay mura ang iba pang mga bilihin dito – karne at gulay at garantisadong sariwa rin ang mga ito.
Maayos ang pamumuhay ng karamihan sa Davao at kapuna-puna ang disiplina ng mga taga-rito at ito ay dala na rin ng kahusayan ng pamamalakad ni Mayor Rodrigo Duterte at ng anak nitong si Paulo, na siyang Vice Mayor naman nitong lunsod. (Mindanao Examiner)
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News