
ZAMBOANGA SIBUGAY (Mindanao Examiner / Mar. 26, 2014) – Patay ang isang public school teacher matapos itong pagbabarilin ng dalawang lalaki na nakasakay sa motorsiklo sa bayan ng Imelda sa Zamboanga Sibugay province.
Sinabi ng pulisya na binuntutan umano ng dalawang lalaki si Rowena Abubakar sa Barangay Balugo at saka ito tinadtad ng bala. Kasama umano ni Abubakar ang dalawang iba pa at patungo sa sentro ng bayan ng maganap ang atake dakong ala 1.40 ng umaga.
Hindi naman mabatid kung saan galing ang teacher, ngunit residente ito ng katabing bayan ng Siay. Nakaligtas naman sa pamamaril ang kasamahan ng biktima, ngunit hindi naman inilabas ng pulisya ang mga pangalan nito dahil patuloy pa ang imbestigasyon sa krimen.
Agad rin tumakas patungong bayan ng Diplahayn ang mga salarin matapos ng pagpatay kay Abubakar at wala rin umako sa krimen. (Mindanao Examiner)