
TAGUM CITY – Umani ng malaking papuri ang Tagum City sa matagumpay na pagdaraos ng 16th National Jamboree ng doon na dinaluhan ng napakaraming scouts mula sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
Dumating rin dito si Vice President Jejomar Binay at Rep. Manny Pacquiao at iba pang mga opisyal ng pamahalaan. Lubos rin nagpapasalamat si Mayor Allan Rellon sa pagdalo ng mga bisita sa jamboree ng Boys Scouts of the Philippines (BSP).
“Marami pa ang humabol sa aktibidad nating ito na umabot na ng 21,146 na mga nagparehistro National at International, and this is one of the largest records in the history of BSP, gaya ng Palarong Pambansa we will do our best,” ani Mayor Rellon.
“Pinagpilian talaga ito, may mga nag bid rin sa Luzon at Visayas, ngunit nagbigay sila ng daan upang dito maisagawa, na kung saan mas nakapaghanda tayo, we submitted the requirements, we made sure that we followed the world standards of this said event, malapit na rin ang ASEAN Meeting, hopefully sana mapabilang sa listahan nila na makapagsagawa ng ibang event dito sa Tagum City, and if they ask us to host a big event, we will submit,” dagdag pa ni Mayor.
Pinasalamatan rin ni Mayor Rellon ang publiko sa suportang ibinigay sa jamboree at gayun rin sa ibat-ibang mga grupo at awtoridad na tumulong sa pagdaraos nito.
Sinabi rin ni BSP Acting Secretary General Wendel Avisado na “malawak at well-organized ang area, meron itong mahigit 20,000 na ektarya na kayang makapag-manage sa Jamboree na ito.” (Jayson Mag-usara)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
https://mindanaoexaminer.com/ad-rates