
MAGUINDANAO (Mindanao Examiner / Mar. 13, 2014) – Pormal ng itinalaga ng pamunuan ng militar ang bagong commander ng 1st Mechanized Brigade sa Maguindanao province na si Col. Gener Del Rosario.
Pinalitan ni Del Rosario si Col. Edgardo Gonzales na inilipat naman sa ibang pamunuan matapos na magsilbi sa naturang lalawigan. Sa ilalim ni Gonzalez ay maraming natupad na misyon ang naturang brigade bilang suporta sa Armed Forces sa central Mindanao.
Pinangunahan naman ni Brig. Gen. Mayoralgo Dela Cruz ang pormal na paglipat ng command ng nasabing brigade sa bayan ng Shariff Aguak.
Nabatid na magsisilbing deputy division commander si Gonzales sa lalawigan ng Tarlac sa Luzon.
Sinabi naman ni Del Rosario na lalo nitong pagiibayuhin ang misyon at programa ng mechanized brigade at suportado naman ito ng mga tropa. (Mark Navales)