PIOLO Pascual admits he’s gay.
Iyan ang major kiyeme latik na headline at banner story of the supposedly “most notorious satirical news portal in the Philippines,” ang nagpapakontrobersyal na manilalink.com
Kung may nasa kayong mabasa ang laman of the alleged big reveal, let your fingers do the work at mababasa n’yo rin ang chika-chikang ito.
Ang official statement mula sa ABS-CBN:
“It has come to the attention of PUSH.com.ph that a site named MANILALINK.com came out with an article claiming that they had an interview with Piolo Pascual regarding his sexuality.
“We verified this with Mr. Piolo Pascual himself and he vehemently denied that THE interview ever happened.
“This article is a HOAX. We enjoin the public to beware of HOAX sites such as manilalink.com that intend to malign and destroy the reputation of good people.”
Ang tanong how do you solve a problem like Piolo Pascual? Tama ba na patulan nila ang satirical site na ito by issuing an official statement?
Ano pa ba ang mga hakbang na dapat gawin para ang rumors at urban legends tungkol sa sexual orientation at sexual preference ni Papa P ay finally matigil na with a tandang pandamdam?
Saan ba sobra si Piolo?
Guwapo. Mabait. Matikas. Makisig. Masarap.
He is the perfect embodiment of a gentleman, a real life Prince Charming, edukado pa at mayaman.
Maraming babae ang pinagnanasaan siya and are more than willing to sire his kids, pero bakit hindi mawala ang fascination at imagination sa pagiging taga-Rosas Pandan community member ni Pascual?
Bakit hindi makumbinsi ang balana at madlang pipol, lalo na ang mga taga-federacion?
Pati ang mga boy borta at pamhinta ay may pananalig na “ka-bro” at “dude” nila si Papa P.
Ano ba ang kulang sa kanyang pagkalalaki at pagiging lalaki? May maibibigay ba kayong sagot sa tanong na ito?
Piolo refuses to dignify all the questions with regard to the issues that hound him like a plague — sexual orientation and preference.
Prerogative niya to be mum and quiet about it. Tama naman ‘yun.
How do you solve a problem like MAJASTY, ang concert ng Pambansang Harot na hindi masyadong sinuportahan?
Hindi napuno ni Maja Salvador ang cavernous concert venue na pinili nila… ang MOA Arena.
Pinababa raw ang ticket holders na nakaupo sa taas para magpuno ang VIP section.
How true?
Kahit pa nag-gold ang dalawa niyang albums, ibig sabihin nito na wala pang major followers si Salvador.
Kahit pa sabihing maraming celebrity sightings at impressive kuning-kuning ang kanyang production numbers, the fact that she did not bring in the expected audiences ay isang malaking sampal sa ambisyon nilang lahat.
The venue was just too massive for her to fill.
Kung sa ALIW Theater niya ‘yun ginawa, tiyak punung-puno. O kaya sa Music Museum, baka two nights na sold put pa ito.
Well, most lessons are learned the hard way.
Tila mas interesado pa ang balana na malaman kung sino ang lalaking nagpapatibok ng puso kay Maja kesa marinig siyang live na kumakanta sa isang concert hall!(ALWIN IGNACIO)
Link: http://www.abante-tonite.com/issue/nov1715/showbiz_ai.htm#.VkrRDXYrLGI