Isang cute at pabebeng dance number ang regalo ni Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub sa ika-4th Monthsary nila ni Alden Richards sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.
Hindi nga halatang pinaghandaan ni Yaya Dub ang kanyang pagsayaw sa barangay kasama ang mga dancer na nakamaskara ng mukha ni Alden.
Kung sa mga nakaraang monthsary nila ay bongga ang mga regalo ni Alden kay Yaya Dub, sa pagkakataong ito ay naging simple lang ang regalo niya.
Ang salitang ALDUB ay binigyan niya ng meaning.
A for All for one, one for All tayo. Walang iwanan.
L ay blangko muna pero may smiling face.
D is for Dub-Best ka sa akin always.
U for U complete me!
B for BFF mo ako!
Noong tanungin ni Yaya Dub kung ano ang meaning ng letter L, ang sagot ni Alden ay “Pag ready na tayo!”
At siyempre, kinilig ang AlDub Nation dahil para sa kanila, LOVE ang ibig sabihin ng letrang iyon para sa kanilang dalawa.
Nag-reminisce pa sina Alden at Yaya Dub ng mga nakaraang monthsarys nila simula noong una silang magkita sa TV noong July 16 ng taong ito.
Pinaka-highlight para sa kanila ay ang una nilang pagkikita sa studio ng Eat Bulaga, pero may humarang na plywood sa pagitan nila.
Ang ikawalang highlight ay ang yakapan nila sa unang pagkakataon na naganap sa Philippine Arena para sa event na Sa Tamang Panahon.
At kahit na napuno ng kilig at saya ang 4th Monthsary ng AlDub, hindi pa rin nakakalimutan ni Lola Nidora (Wally Bayola) ang nawawalang singsing ng forever.
Pinapaalala ni Lola Nidora kay Alden na nagkakahalaga iyon ng 21 million pesos kaya kailangan niyang mahanap ito.(Ruel Mendoza )
Link: http://www.abante.com.ph/ent/other-stories/37947/-maine-u-complete-me-alden.html