Selos Mode si Yaya Dub (Maine Mendoza) dahil kay Cindy Corvicova! Hindi malimutan ni Yaya Dub ang paghawak ni Alden Richards sa kamay ni Cindy.
Dahilan ni Alden ay inutusan lang daw siya ni Lola Babah na gawin iyon.
Pero hindi kuntento si Yaya Dub sa katwiran ni Alden at sinabi pa nito na may choice naman daw ito kung hahawakan niya o hindi ang kamay ni Cindy. Dahil dito ay nakapagbitiw ng salitang “I’ve had enough!” si Yaya Dub kay Alden.
Hiniritan naman ni Alden ng isang dialogue mula sa pelikulang Notting Hill si Yaya Dub: “I am just a boy, standing infront of a girl, asking her to love me.”
Pero hindi pa rin matangay si Yaya Dub sa pagpapa-cute ni Alden.
Nang tanungin ni Alden kung ano ba ang gusto nitong gawin niya? Sagot ni Yaya Dub ay: “Isa lang naman ang gusto kong gawin mo, eh. Mahalin mo ako!”
Ito na kaya ang pasabog ng dalawa sa kanilang ika-18th Weeksary kahapon?
Bilang patunay na walang interest si Alden kay Cindy, todo-iwas ito sa mga yakap nito.
Sinabi pa niya kay Cindy na iisa lang daw ang babae para sa kanya at iyon ay si Yaya Dub.
Nagbitiw tuloy si Yaya Dub ng salitang “You heard that?” kay Cindy.
Kaya naman nagpabebe na ulit si Yaya Dub at panay ang pag-emote na parang model.
Nag-showdown pa ang dalawa sa modeling na pinaghandaan pa ni Yaya Dub noong isang araw pa. Tinuruan siya ni Tidora ng iba’t ibang modeling poses tulad ng Masakit Ulo Pose,
Masakit Tiyan Pose, Masakit Tuhod Pose at Masakit Likod Pose.
Hanggang sa nag-walkout na si Cindy at nagbantang isusumbong si Alden kay Lola Babah.
Ano naman kayang gulo ang ihahatid ng problemang ito kina Alden at Yaya Dub?
Kahapon ay sinurpresa na ni Alden si Yaya Dub sa date nila para sa kanilang 18th weeksary.
Siyempre, may isaw ulit, at kung ano-ano pang mga pagkain na paborito nila pareho.(Ruel Mendoza )
Link: http://www.abante.com.ph/ent/other-stories/38062/-mahalin-mo-ako-alden-maine-mendoza.html