
COTABATO CITY (Mindanao Examiner / Feb. 26, 2014) – Isang pampasaherong bus ang tumagilid sa highway matapos umano nitong iwasan ang isang truck sa bayan ng Sibagat sa Agusan del Sur province.
May mahigit sa tatlong dosenang mga pasahero ang bus – na pagaari ng Bachelor Express – na ng ito’y maaksidente sa kurbada sa Barangay Tumba. Ayon pa sa driver nitong si Richard Gutierez ay iniwasan umano nito ang isang truck kung kaya’t agad nitong naitabig ang bus at tumagilid ito sa Maharlika Highway.
Patungong Butuan City ang bus mula bayan ng Bislig sa Surigao del Sur ng maganap ang aksidente, ayon naman sa ulat ng Lanog Mindanao.
Agad naman dinala sa Butuan Doctors Hospital ang mga sugatan. Hindi naman agad nakuha ang kampanya ng bus, ngunit patuloy ang imbestigasyon ng pulisya ukol sa naganap. (Mindanao Examiner)