GENERAL SANTOS CITY – Mistulang sinakluban ng langit ang pamilya ng isang college student matapos itong mabaril at mapatay sa labas lamang ng isang botica sa General Santos City sa Mindanao.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si John Cris Pilongco, 23, at ayon sa kanyang tiyahin na si Maria Mahusay ay bibili sana sila ng gamot sa botica nitong Martes ng gabi at laking gulat na lamang nito ng makarinig ng putok ng baril sa kanyang likuran na kung saan ay nakabuntot ang biktima.
Isang lalaki naman na nakitang tumakbo palayo sa krimen habang nakahandusay ang biktima at umaagos ang dugo mula sa ulo. Hindi naman makapanila ang tiyahin ni Pilonggo sa naganap sa kanyang pamangkin.
Hindi naman naabutan ng mga rumespondeng parak ang salarin. Patuloy naman na inaalam ng pulisya kung may naka-away ba si Pilongco o kung ano ang motibo sa pamamaslang at kung sino ang nasa likod nito.
BS-Biology ang kursong kinukuha nin Pilongco sa pagnanais umano nitong matulungan ang pamilya kapag nakatapos na, ngunit kamatayan naman ang kinahantungan ng kanyang pangarap, ayon pa sa tiyahin. (Ely Dumaboc)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
https://mindanaoexaminer.com/ad-rates