
MARAWI CITY – Isang grupo ng mga Muslims ang nagpadala ng malaking “agong” para kay Pope Francis bilang pasasalamat sa kanyang pagbisita sa bansa at suporta nito sa kapayapaan sa Mindanao.
Pinangunahan mismo ni Raisonel Datu Magangcong, ang pangulo ng Alliance of Recruitment Agencies of the Philippines-OFW Foundation, ang naturang kagandahang-loob bilang “gesture of gratitude” sa pagmamahal ni Pope Francis sa mga Pilipino – Muslim at Kristiyano, at maging mga natibo sa bansa.
Pinuri rin ni Magangcong si Pope Francis dahil sa kanyang malaking suporta sa kapayapaan sa Mindanao na mahigpit rin na isinusulong ng Foundation. Ang agong ay tinawag nilang “A gift of hope to the Pope.”
“Muslims in southern Philippines sent an agong as their heartfelt expression of gratitude to the Pontiff’s s support for the ongoing peace process, which has reached the crucial stage of legislative deliberation,” ani Magangcong na kilala rin bilang peace advocate sa Mindanao.
Matatandaan sinabi ni Pope Francis na: “In a particular way, I express my trust that the progress made in bringing peace to the south of the country will result in just solutions in accord with the nation’s founding principles and respectful of the inalienable rights of all, including the indigenous peoples and religious minorities.”
Dumating si Pope Francis sa bansa mula Sri Lanka nitong Enero 15 para sa 4 araw na pagbisita na bahagi naman ng kanyang Asian tour.
Nagtungo ito sa Leyte province at sa Tacloban City ay pinangalanan naman ng mga natibo mula Mindanao si Pope Francis bilang Apô Edsila at nasaksihan ito ng mga madre at maraming tao bilang pagpupugay sa kanya ng ito’y magtungo doon nitong Enero 17 na kung saan ay nagmisa ito at humarap sa mga deboto.
Pinangunahan ni Dulphing Ogan, Secretary-General ng Mindanao-wide indigenous peoples’ group na “Kalumaran” ang naturang seremonya. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News