
PAGADIAN CITY (Mindanao Examiner / Jan. 5, 2014) – Sugatan ang isang salesman matapos itong mabaril kahapon ng madaling araw habang nasa kasarapan ng inuman kasama ang mga kaibigan sa Pagadian City sa Zamboanga del Sur.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Grant Bartolobac, 40, at binaril ito sa labas ng bahay ng bahay sa Purok Burdagol sa Sunrise Village na sakip ng Barangay Tiguma.
Bigla na lamang umanong pumarada sa harapan ng mga nagiinuman ang isang motorsiklo na may sakay na dalawang lalaki at pinutukan ng isa si Bartolobac at saka tumakas ang mga ito.
Isinugod naman ng mga kainuman ang biktima sa Zamboanga del Sur Medical Center dahil sa tama ng bala. Hindi pa mabatid ang motibo o kung may atraso ang biktima o kaaway kung kaya’t siya lamang ang binaril.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa pamamaril. Hindi sinabi ng pulisya kung saan nagtatarabaho si Bartolobac maliban lamang na ito ay isang salesman. (Mindanao Examiner)