
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Jan. 2, 2014) – Apat na mga bala ng mortar ang nabawi ng pulisya sa ibat-ibang lugar sa Zamboanga City matapos itong madiskubre ng mga sibilyan.
Dalawang 40mm high explosive projectiles ang natagpuan sa Zamboanga School of Fisheries sa Barangay Rio Hondo at dalawa rin ang nakuha sa Barangay Lumbangan ng grupo ng bomb squad ng pulisya.
Mabuti umano at walang nagka-interest sa naturang mga pampasabog na maari pang pumutok o magawang bomba.
Hinihinalang mga labi ito ng mga pampasabog na hindi nakuha ng mga awtoridad matapos ang tatlong linggong sagupaan noon Setyembre sa pagitan ng mga rebeldeng Moro National Liberation Front at militar.
Nanawagan naan ang pulisya sa publiko na huwag hahawakan ang anumang uri ng mga pampasabog na kanilang makikita sa mga lugar na kung saan ay nagkaroon ng labanan. Lubha umanong delikado ang mga ito at maaaring makamatay kung sasabog. (Mindanao Examiner)