DAVAO CITY – Sinunog kaninang madaling araw ng mga di-kilalang salarin ang isang refugee shelter sa loob mismo ng compound ng United Church of Christ of the Philippines at 5 katao ang sugatan, ayon sa mga human rights groups.
Kabilang sa mga biktima ay 4 na mga menor-ded-edad na pawang mga Lumad o natibo na lumikas sa kanilang mga lugar dahil sa patuloy na operasyon ng militar kontra New People’s Army sa Davao region at katabing mga lalawigan.
Kinumpirma rin ito sa Mindanao Examienr Regional Newspaper ng women’s group na Gabriela at kinondena ang naganap, ngunit wala naman umamin sa arson bagama’t duda ng grupo na may kinalaman ang mga pro-government militias sa arson.
Noon nakaraang taon lamang ay nilusob rinn ng mga parak ang naturang lugar at pilit na pinababalik ang mga natibo sa kanilang lugar matapos na umano’y dukutin sila ng mga progresibong grupo. Mahigit sa isang dosena ang nasaktan matapos na sugurin ng mga parak ang barikadang inilagay ng mga Lumad sa UCCP compound. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper