ZAMBOANGA CITY – Inalat ng husto ang isang 40-anyos na lalaki na matapos sumemplang sa minamanehong motorsiklo dito ay nahulihan pa ito ng isang UZI machine pistol ng mga rumespondeng parak.
Kinilala naman ng pulisya ang lalaki na si Nadzmir Sangkula Mañalas na taga-Barangay Taluksangay. Nabatid na iniwasan umano ni Nadzmir ang isang babaeng tumatawid sa Barangay Baliwasan Chico kung kaya’t sumemplang ito at nagpagulong-gulong sa matigas na semeno.
Agad naman itinimbre ng mga usisero sa isang grupo ng mga parak na noon ay may checkpoint sa di-kalayuan kung kaya’t agad itong sumugod doon upang tulungan ang biktima.
Ngunit laking gulat na lamang nina SPO2 Danny Alanis Mani and PO3 Nel Abib Hadjula Utam na makita ang armas na may 6 bala sa sling bag ni Nadzmir. Sa kabila nito ay dinala pa ng mga parak sa pagamutan si Nadzmir habang inihahanda naman ang kaso laban sa kanya dahil sa pagdadala ng illegal na armas at paglabas sa gun ban ng Commission on Elections.
Ayon naman sa pulisya ay bali ang balikat ni Nadzmir dahil sa aksidente. Inaalam pa ng pulisya kung bakit may dalang armas si Nadzmir at kung saan ito galing, gayun rin ang background nito. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper