
PAGADIAN CITY (Mindanao Examiner / Dec. 3, 2013) – Nagmistulang namili sa supermarket ang isang magnanakaw matapos nitong limasin ang sari-saring grocery items na laan para sa Tipasan Elementary School sa Pagadian City sa Zamboanga del Sur province.
Nagsumbong sa pulisya ang gurong si Elsie Jumantoc, 56, at sinabing pinasok ng magnanakaw ang kanyang tanggapan matapos na wasakin ang padlock nito.
Tinangay diuamano ng magnanakaw ang mga fgrocery supply ng paaralan – isang kilong asukal, dalawang karton ng powdered milk, dalawang karton ng powdered chocolate drink, dalawang pakete ng powdered juice drink, isang latang gatas, isang dosenang biskwit, 31 pirasong tinapay at sampung kilong bigas. Nagkakahalaga ang mga ito ng halos P1,500, ayon kay Jumantoc.
Hindi pa mabatid kung sino ang nasa likod ng panloloob, ngunit patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya ukol dito. (Mindanao Examiner)