
ZAMBOANGA CITY – Matapos na mapalaya kamakailan ang 10 Indonesian na binihag sa karagatan ng Tawi-Tawi province, lumabas ang isang impormasyon naibang grupo ang nasa likod nito at hindi si Abu Sayyaf lider Alhabsi Misaya.
Sa ekslusibong ulat ng Jakarta Post, nabatid na ang mga Indonesian crew member ng tugboat Brahma 12 ay binihag ni Tawing Humair at pinalaya ang mga hostages sa isa sa mga negosyador na si Ahmad Baedowi na siyang kumuha at sumundo sa mga ito sa kabundukan ng Sulu noong Mayo 1.
Tulad ng iginiit ng Indonesian government, walang ransom na ibinigay sa grupo ng 30-anyos na si Humair, ngunit kapalit naman nito ay tulong para sa mga Muslim – edukasyon at iba pa – na ipinangako umano ng Sukma Foundation ni Indonesian media mogul Surya Paloh.
Sa naturang ulat, pinalaya ni Humair ang mga bihag dahil na rin sa pakiusap ng isang maimpluwensyang commander ng Moro National Liberation Front na pinangalanan lamang na Grand Alpha na kung saan ay sinasabing malaki ang utang na loob at respeto dito ni Humair.
Muntik pa umanong pumalpak ang negosasyon dahil bukod kay Baedowi ay nakikipag-negosasyon rin umano ang dating Indonesian army general na si Kivlan Zein sa grupo ni Misaya matapos itong makipag-ugnayan kay MNLF chieftain Nur Misuari.
Agad naman inutusan ni Misuari ang tauhang si Tahir, ngunit lingid sa kaalaman ni Misuari ay nakipag-ugnayan ito kay Grand Alpha hanggang sa makumbinsi nito si Humair na pakawalan ang mga bihag kapalit ng pagpapatayo ng paaralan sa Sulu at pagpapadala sa grupo ni Tahir at iba pang mga Muslim na gustong mag-aral sa Aceh, Indonesia.
“Without Misuari’s knowledge, Tahir communicated with Grand Alpha, who said they should hold back their troops and not make any offensive moves against the group as the hostages’ lives would be at risk. Later, Grand Alpha’s team decided to step in to the rescue efforts as they knew the Indonesian government had negotiated with the wrong party. They were afraid that if a ransom was paid, the hostages would not be freed as there were a lot of similar cases going on,” ayon pa sa ulat.
Handa na sana ang Patria Maritime Lines na siyang may-ari ng tugboat at amo ng mga Indonesians na magbayad kay Misaya ng $1.14 million o P50 milyon ransom subali’t hindi naman ito natuloy dahil wala kay Misaya ang mga bihag at hawak ng grupo ni Humair na pawang mga anak rin ng mga MNLF members.
“The negotiations instead comprised people-to-people dialogue, involving a respected figure from the Moro National Liberation Front), which was made possible due to a friendly promise made by the Sukma Foundation’s humanitarian team to provide aid to support young generations of the Moro tribe in the Philippines.”
“Grand Alpha said [to Tawing] that there is bigger opportunity than just transactions…bigger opportunities for Moro people’s future, education and welfare,” ayon pa sa source ng Jakarta Post na may alam sa nasabing pangyayari. “Grand Alpha had convinced the militants and said Indonesian Muslims were the only Asian neighbor that had good relations and could help Moro people with a peace process, as well as educational assistance and other transformative projects.”
Inutusan rin ni Grand Alpha si Baedowi na sunduin ang mga pinalayang hostages at ihatid sa bahay ni Sulu Gov. Totoh Tan upang maibigay nito sa mga awtoridad ang 10 Indonesians. Natawagan na rin umano ni Grand Alpha si Tan – na siyang chairman ng Sulu provincial crisis committee – upang sabihin na makakalaya na ang mga bihag.
Agad naman kinupkop ni Tan ang mga Indonesians ng sila’y maihatid at pinakain bago nito pinadala sa pagamutan para sa isang routine medical check up at ibigay sa pulisya at militar.
Sa ngayon ay 4 Indonesian seamen naman ng tugboat Henry na dinukot rin sa Tawi-Tawi ang hawak pa rin ng mga kidnappers, gayun rin ang 4 Malaysian sailors na hinila ng mga armado sa karagatan ng Sabah, ilang milya lamang mula sa Tawi-Tawi. At isang Canadian, isang Norwegian at isang Hapon na umano’y nasa kamay ng Abu Sayyaf. (Mindanao Examiner)
Share Our News
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper