PAGADIAN CITY – Bigo ang pulisya at militar na pigilan ang mga private army diumano ng ibat-ibang pulitiko sa Zamboanga Peninsula matapos na mapabalitang naghahasik ng takot ang mga ito sa mga residente upang iboto ang kanilang kandidato.
Sa bayan ng Polanco at Godod, gayun rin sa Tampilisan sa Zamboanga del Norte ay bulgaran at lantad ang mga armado at dahil dito ay maraming mga residente na ang nagsilikas sa ilang mga barangay dahil sa matinding takot.
Ilan sa mga armado ay sinasabing mga miyembro ng paramilitary group na tauhan ng mga pulitiko na nagiikot at sinasabihan ang mga residente na iboto ang kanilang mga among pulitiko.
Sa bayan ng Buug sa Zamboanga del Sur ay nakunan naman ng video ang mga armadong nakasinelas lamang habang nakatambay sa tindahan na may pangalang Alimanza Store sa tabing kalsada lamang.
Bitbit ng mga ito ang magtataas na kalibre ng baril sa kabila ng pinaiiral na gun ban. May mga suot pang dilaw na baller ang mga ito. Makikita ang video sa URL na ito na ngayon ay nasa Facebook na https://www.facebook.com/100008827306765/videos/1547164145587814/.
Hindi naman mabatrid kung bakit hindi ito napigilan ng pulisya at militar sa lalawigan, at wala rin pahayag ang mga opisyal ng Western Mindanao Command ukol dito. (Mindanao Examiner)
Share Our News
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper