DAVAO CITY – Peace talks sa Communist Party of the Philippines at posisyon sa Gabinete ang alok ngayon ni President-elect Rodrigo Duterte sa mga lider ng komunistang grupo.
Nais ni Duterte na muling mabuksan ang peace talks kay Jose Maria Sison, na siyang lider ng CPP at naka-exile ngayon sa The Netherlands. Sa kanyang press conference ngayon Lunes sa Davao City, sinabi ni Duterte na pedeng maibigay sa komunista ang plantilya sa Department of Agrarian Reform, Department of Environment and Natural Resources, Department of Labor and Employment at Department of Social Welfare and Development.
Itong mga ahensya ang siyang mga isyu na ipinaglalaban ng New People’s Army – lupain, kalikasan, trabaho at social services para sa mga mamamayan – ngunit daraan rin umano sa proseso ang pagpili ng mga uupo sa nasabing mga ahensya ng pamahalaan.
Matagal ng isinusulong ng ibat-ibang mga grupo at pagbubukas ng peace talks bng pamahalaan kay Sison, ngunit hindi naman ito matuloy-tuloy dahil sa kahilingan ng CPP at NPA na palayain muna ang lahat ng political prisoners sa bansa at ang pagaalis ng “terror tag” ng Amerika at Pilipinas sa CPP at NPA.
Nagtungo sa Davao City si dating Defense chief Gilbert Teodoro at nakipagpulong kay Duterte, ngunit hindi naman isina-publiko ang kanilang pinag-usapan. (Mindanao Examiner)
Share Our News
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper