
LANAO DEL NORTE (Mindanao Examiner / Nov. 28, 2013) – Pinangunahan ni Mayor Eleanor Dimaporo-Lantod ang mass oath-taking ng mga barangay leaders sa bayan ng Pantao Ragat at na dinaluhan ng maraming mga supporters at kapartido bilang pag simbulo ng kanilang pakikiisa.
Mismong si Provincial Board member Atty. Usop Omar sa 2nd District ang namuno sa oath-taking. Natuwa naman si Lantod sa pagkakaisa ng mga barangay kapitan at patunay umano ito sa magandang samahan at estado ng pulitiko sa nasabing bayan.
At tulad ng inaasahan ay naging makulay ang pagtitipon dahil sa mga distinct at traditional na Maranao costumes at ibat-ibang uri ng mga kagamitan nito na bahagi ng mahaba at makasaysayang kultura.
Sinigurado naman ni Lantod ang patuloy na kapayapaan sa lugar at ang matibay na pagkakaisa ng lahat. “This is my legacy to my people and my family,” ani ng alkalde sa Mindanao Examiner. (Mark Navales)