ZAMBOANGA CITY – Sugatan ang isang non-uniformed personnel ng pulisya matapos itong barilin kahapon ng umaga ng isa sa dalawang lalaking humoldap sa kanya at kasamang parak sa Zamboanga City.
Sinabi ng pulisya na pauwi na sa kanilang bahay sina Michael Tangon at SPO1 Nurwina Balaton mula sa kanilang salon sa Veterans Avenue ng harangin ng mga holdaper na nakasakay sa isang motorsiklo. Agad na binaril si Tangon matapos itong tumanggi na ibigay ang dalang bag na mag lamang P20,000.
Dalawang beses binaril si Tangon at doon na nakuha ng mga salarin ang bag at saka tumakas. Pinaputukan pa umano ni Balaton ng 5 beses ang mga salarin, ngunit hindi naman ito tumama.
Hindi naman mabatid kung may security cameras sa lugar upang makilala ang mga holdaper. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap. (Ely Dumaboc)
Share Our News
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper