DAVAO CITY – Napatay umano ng isang parak ang kanyang live-in partner at biyenan kahapon ng madaling araw sa Davao City at ayon sa mga ulat ay sumuko rin ang alagad ng batas matapos ng krimen.
Kinilala naman ng pulisya ang parak na si PO3 Dennis Hejora at patuloy ang imbestigasyon sa kaso. Hindi nagbigay ng karagdagang pahayag ang pulisya ukol sa krimen at kung ano ang motibo o nagtulak kay Hejora na patayin ang partner na si Cherry Gapas, 24; at ina nitong si Flordelis Gapas sa kanilang bahay sa Maa.
Walang ibinigay na anumang pahayag si Hejora na ngayon ay nakapiit sa Tolomo Police Station. Nahaharap sa kasong kriminal si Hejora.
Kinunan na rin ng pahayag ng pulisya ang ilang kapit-bahay ukol sa naganap na krimen. (Mindanao Examiner)
Share Our News
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper