ZAMBOANGA CITY – Isang fish vendor ang dinakip ng pulisya matapos na umano’y magbenta ito ng shabu sa isang undercover agent sa Zamboanga City.
Sinabi ng pulisya kahapon na inihahanada na ang kaso laban kay Ibrahim Ussam, 45, sa paglabag nito sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Nahuli si Ussam sa kanyang puwesto sa Barangay Sinunuc matapos nitong bentahan ang parak na nagpanggap na buyer ng droga.
Nabatid na matagal na umanong minamanmanan ng pulisya ang ilegal na gawain ni Ussam matapos na makatanggap ng impormasyon na nagbebenta ito ng shabu sa lugar. Minsan ay isinisiksik pa ni Ussam ang shabu sa tiyan ng mga isdang binibenta nito sa mga drug users.
Hindi naman nakapalag si Ussam ng ito’y dakpin ng mga parak na nakatambay sa lugar habang isinasagawa ang buy-bust operation. (Ely Dumaboc)
Share Our News
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper