ZAMBOANGA CITY – Nagkagulo sa isang barangay sa Zamboanga City kaninang madaling araw matapos na umalingasaw ang masangsang at matapang na amoy ng ammonia sa kanilang lugar.
Nabatid na sumingaw pala ang isang tangke ng ammonia sa loob ng Universal Canning sa Barangay Ayala. Hindi pa mabatid ang dahilan nito, ngunit ilang oras rin nagtagal ang mabahong amoy sa kapaligiran at maraming pamilya ang sinasabing naapektuhan nito.
Nagpadala rin agad ng mga ambulansya ang lokal na pamahalaan sa nasabing barangay bilang paghahanda kung hindi maisasara ng kampanya ang tangke ng ammonia.
Hindi naman sinabi ng kumpanya ang dahilan sa naturang pagsingaw ng ammonia, ngunit sa website ng Universal Canning ay ito ang nakalagay: Universal Canning, Inc. boasts of ultra-modern facilities and resources engaged in deep sea fishing, ice production and cold storage, seafood canning, fishmeal production, ship repair, dry dock and maintenance.”
Kabilang sa mga produkto ng Universal Canning ay ang Family’s Sardines. (Ely Dumaboc)
Share Our News
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper