BASILAN – Apat na mangingisda ang napaulat na pinatay ng mga di-kilalang armado sa karagatan ng Basilan sa magulong Muslim autonomous region sa Mindanao.
Hindi pa umano natatagpuan ang bangkay ng mga biktima na sinasabing naharang ng mga armado sa bandang bayan ng Mohammad Adjul gabi ng Lunes. Nangingisda umano ang grupo ilang milya lamang ang layo sa isla ng Langil at Sibago ng sila’y ratratin ng mga armadong nakasakay rin sa mga motorboat.
Galing ang ulat sa army intelligence sa Basilan, ngunit patuloy pa itong inaalam ng pulisya. Hindi rin mabatid kung Abu Sayyaf o pirate ang tumira sa mga biktima o kapwa nila mangingisda.
Ilang beses ng nagkaroon ng sigalot sa karagatan ng Basilan sa pagitan ng mga grupo ng mga mangingisda doon at mga dayo.
Noon 2012 ay 15 mga mangingisda mula Pagadian City ang pinatay sa lugar matapos na umano’y mahuling nagnanakaw sa mga payao o fish cages doon. (Ely Dumaboc)
Share Our News
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper