
Hiniling din ni ALAM Chairman Jerry Yap na maibigay na ang tulong sa mga naiwan ng 34 na mamamahayag na kasamang nasawi sa nasabing massacre.
“Maraming nangako ng tulong,” ani Yap. “Si Maguindanao Gov. (Esmael) Toto Mangudadatu, na nangakong bibigyan ng livelihood at pag-aaralin niya ang mga anak ng mga nabiktimang journalist. Ewan ko kung ano na ang nangyari sa pangakong iyon.”
Bukod kay Mangudadatu, maraming politiko rin ang nangako ng tulong sa mga naulila ng nasabing mga mamamahayag.
Matatandaang naganap ang tinaguriang Maguindanao massacre noong November 23, 2009, matapos matagpuan ang mga mass graves sa bayan ng Ampatuan sa Mahuindanao.
Binihag at pinatay ang may 58 katao habang patungo si ang convoy ng asawa ni Mangundadatu, sa bayan ng Buluan upang kumandidato laban kay Datu Unsay Ampatuan, Jr., anak ng noon ay kasalukuyang gobernador ng Maguindanao na si Andal Ampatuan, Sr.
Ang mga Ampatuan ay kinikilalang pinakamakapangyarihang angkan ng mga pulitiko sa nasabing probinsya.
Kasama sa mga pinatay ang asawa ni Mangudadatu at dalawang kapatid na babae; 34 na journalists at media workers; mga abugado; aides, at mga motoristang aksidenteng nakakita sa convoy.
Ilan beses rin na umapela ang National Press Club of the Philippines na noon ay nasa pamumuno ni Yap, upang mabigyan ng katarungan ang ang 34 na miyembrong nakasama sa massacre.
“Alam nating lahat na ito ang pinakamatinding pag-atake sa media sa buong kasaysayan ng Pilipinas,” ani Yap. “Dapat lamang silang mabigyan ng hustisya at kumpensasyon.”
Itinuturing ang Pilipinas na ikalawang pinakadelikadong lugar para sa mga mamamahayag, pumapangalawa lamang sa Afghanistan, kung saan may nagaganap na digmaan.
Inaasahan ni Yap na tutuparin ni Judge Jocelyn Solis Reyes ang kanyang pangako na tatapusin niya ang paglilitis sa kasong ito bago matapos ang administrasyon ni Aquino. (Nanet Villafania)