DAVAO CITY – Nagreklamo sa pulisya ang 3 kababaihan na diumano’y nalasing sa isang party, ngunit nagising ng hubo’t-hubad sa loob ng kanilang boarding house sa Davao City.
Nabatid na nawalan rin sila ng mga cell phone at salapi, ngunit wala naman silang matandaan sa naganap maliban na umuwi ng lasing kamakalawa. Hindi naman mabatid kung sino ang naghatid sa kanila at wala rin matandaan ang mga ito sa naganap.
Hindi pa malinaw kung sila ba ay pinasamantalahan, ngunit patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang reklamo at alegasyon ng tatlo na nakatira sa San Antonio sa Agdao.
Inaalam ng pulisya kung nahaluan ba ng droga ang mga inunom ng tatlong bebot at kung bakit wala silang matandaan sa naganap. (Mindanao Examiner)
Share Our News
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper