CAGAYAN DE ORO CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng Coast Guard sa pagtaob ng isang lantsa na kung saan ay nalunod ang isang pasahero sa karagatan ng Agusan del Norte.
Nabatid na naganap ang aksidente kamakalawa sa bayan ng Magallanes na kung saan ay mailigtas ang mahigit sa 60 iba pang pasahero. Isang menor-de-edad ang sinasabing nasawi sa trahedya.
Galing umano sa Butuan City ng sumalpok sa pantalan ang naturang lantsa na may 3 crew. Hindi pa mabatid kung bakit nawalan ng kontrol ang may hawak ng timon, ngunit ayon sa inisyal na ulat ng Coast Guard ay humampas umano sa lantsa ang malalaking alon kung kaya’t sumalpok ito sa pier.
Mabuti na lamang at sa pier ito sumalpok kung kaya’t mabilis ang naging responde ng Coast Guard at rescuers mula sa Bureau of Fire Protection at Maritime Police. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
Share Our News