ZAMBOANGA CITY – Nadakip ng pulisya ang 3 lalaki na dumukot umano sa isang bata sa Zamboanga City at dinala sa Sulu matapos na mabigo ang pamilya ng biktima na bayaran ang kanilang pagkakautang.
Nailigtas rin ang 2-anyos na bata at nakabalik na sa Zamboanga kamakalawa ng umaga habang iniimbestigahan naman ng pulisya ang mga nadakip. Natunton ang mga ito sa bayan ng Patikul na kung saan nabawi ang bata sa isang bahay.
Nabatid na humingi ang mga ito ng P60,000 – kasama na ang utang ng pamilya ng bata at kanilang gastos patungong Sulu – ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay itinimbre ng ina ng biktima sa pulisya ang naganap na pagdukot at salaping hinihingi sa kanila.
Nakilala ang tatlong suspek na sina Haron Sahiron, 52; Danny Patta, 28; at Muktadir Mohammad, 41. Hindi pa mabatid kung may koneksyon sa Abu Sayyaf ang mga ito. (Ely Dumaboc)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
Share Our News