BASILAN – Pinatutukan ni Lamitan City Mayor Rose Furigay ang mga sibilyang naapektuhan ng pagragasa ng ipo-ipo sa kanilang lugar.
Marami sa mga residenteng nasiraan ng bahay ay kasalukuyang nasa gymnasium habang naghihintay ng tulong mula sa pamahalaan. Inararo ng buhawi ang Barangay Santa Clara nitong Martes at mabuti na lamang umano ay walang naiulat na nasaktan o namatay, ngunti mahigit sa 20 bahay naman ang sinira nito.
Ilang malalaking puno rin ang nabuwag sa pagdaan ng buhawi. Agad rin rumesponde ang Lamitan City Disaster Risk Reduction Management Office sa pangunguna ni Engr. Jay Dompol at ng City Engineer’s Office upang tignan ang sitwasyon at damage na iniwan ng ipo-ipo.
Ipinag-utos ni Furigay ang agarang pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng buhawi. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper