
ZAMBOANGA CITY – Tinupok ng malaking sunog ngayon Huwebes ang ilan sa mga gusali ng Ateneo de Zamboanga University at masuwerteng walang nasawi o nasaktan na mga guro at estudyante.
Tumagal rin ng halos dalawang oras ang sunog na sinasabing nagmula sa cafeteria ng naturang paaralan. Ngunit patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection ukol dito.
Kabilang sa mga nasunog ay ang Manuel Sauras Hall – na kung saan ay naroon ang cafeteria at College of Law, ang Xavier Hall, Brebeuf Gymnasium at Kostka Hall.
Nadamay rin ang mga sumusunod na tanggapan – Assistant to the Academic Vice-President, Academic Vice-President, School of Education, School of Management and Accountancy, University Registrar, School of Liberal Arts, College of Nursing, Center of Information Technology Services at Computer Laboratories (Advanced and Basic Laboratories).
Naglabas agad ng anunsyo ang Ateneo na suspendido ang mga klase at pinayuhan ang mga estudyante na maghintay na lamang kung kailan ito babalik. (Ely Dumaboc)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper