ZAMBOANGA CITY – Nahaharap sa kasong kriminal ang isang 74-anyos na ama matapos nitong mapatay sa saksak ang sariling anak na matagal na umanong umaabuso sa kanilang pamilya sa tuwing malalasing.
Nakilala ang matanda na si Carlos Patron Sr at inamin nito ang pamamaslang sa kanyang 42-anyos na anak na si Junior sa kanilang bahay sa Barangay Pasonanca kamakalawa ng gabi.
Umuwi umano ng lasing si Junior at pinagbalingan nito ang ama at nauwi sa pagtatalo hanggang sa pagbuhatan ng kamay ng biktima ang matanda. Sinabi ng matanda na hindi na nito makayanan ang panggugulpi at pangaabuso sa kanila ng anak kung kaya’t nakakuha ito ng patalim at inundayan ng saksak sa dibdib si Junior na siyang ikinamatay nito.
Sising-sisi naman ang matanda sa kanyang ginawa. Kasalukuyang nakapiit sa himpilan ng pulisya si Patron. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper