ZAMBOANGA CITY – Pinaghahandaan na ng Zamboanga City ang isang hero’s welcome kay Rio Olympics weightlifter at silver medalist Hidilyn Diaz sa pagbabalik nito dito mula Brazil.
Sinabi kahapon ni Mayor Beng Climaco na bibigyan nito ng pagpupugay at pagkilala si Diaz na natibo ng Zamboanga. “The local government is preparing a hero’s welcome for Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz next Monday who will be returning home on August 14, Sunday. The welcome ceremonies will honor the feat of Diaz, who broke records with her podium-finish at the 53 kg weightlifting competition,” pahayag pa ni Climaco.
Hindi naman sinabi nito kung bibigyan rin ba ng reward o cash incentives si Diaz.
Inaasahan naman na makakatanggap si Diaz ng P5 milyon cash incentives mula sa pamahalaang Duterte base na rin sa Republic Act 10699 o ang “National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act” na nilagdaan ni dating Pangulong Benigno Aquino noon nakaraang taon lamang.
Naunang puinuri ng Malakanyang ang pagkakapanalo ni Diaz ng silver medal sa 53-kilograms weightlifting competition. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper