DAVAO CITY – Sa ikatlong pagkakataon, muling naglunsad ng roadshow ang Philippine Extractive Industry Transparency Initiative (PH-EITI) at layunin nito na maipagpatuloy ang pagkakaloob ng plataporma sa pamamagitan ng dayalogo ng pamahalaan at mga civil society representatives at industriya na may malaking kaugnayan sa mining, oil at gas.
Kabilang sa responsibidad ng PH-EITI ay ipakita sa mga kinauukulan kung ano ang kanilang binabayaran sa pamahalaan at sa panig naman ng gobyernon kung ano ang kanilang kinokolekta mula sa mga industriyang nabanggit, at kung saan ito napupunta.
Bahagi ng roadshow ang pagtalakay sa mga isyu tungkol sa share ng local governments sa national wealth, gayun rin ang patungkol sa management ng environment at social development funds. Bahagi rin ng programa ang group discussion at action planning.
Nagsimula ito sa Davao City at isasagawa rin sa, Cebu, Baguio, Surigao, Puerto Princesa sa Palawan, at Maynila. Isinusulong nito ang responsible mining sa bansa. (Malou Cablinda)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper