ZAMBOANGA CITY – Nagpaalala ngayon si Zamboanga City Mayor Beng Climaco sa lahat ng mga Pokemon Go players na nahuhumaling sa nasabing virtual reality game na mag-ingat sa kanilang aktibidad upang maiwasan ang anumang peligro.
Sa pahayag ng City Hall, nanawagan si Climaco sa mga manlalaro na mag-ingat at huwag papasok sa mga madidilim at pribadong lugar sa paghahanap ng Pokemon.
“Please prioritize your safety above all else – avoid playing the game while driving or crossing the streets, and do not trespass on other people’s properties. Do not venture in dark and secluded places to catch the rare Pokemon.”
“Be wary of lures as these may be used by unscrupulous individuals to take advantage of players. Always inform your parents and guardians, and always have a friend with you when going out to play” ani Climaco.
Nanawagan pa ito sa mga manlalaro na respetuhin ang mga simbahan, mosque at iba pang mga pampublikong lugar at sa huli ay sinabi ni Climaco na: “Be safe, have fun and happy hunting.” (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper