ZAMBOANGA CITY – Sugatan ang dalawang parak matapos silang ratratin ngayon Biyernes ng mga di-kilalang sa sentro ng bayan ng Sirawai sa Zamboanga del Norte province.
Nakilala ang mga biktima na sina PO2 Joemar Fuentes at PO1 Michael Jay Castro na agad naman naisugod sa pagamutan. Mabilis naman tumakas ang tatlong armado na sinasabing nasa likod ng atake.
Hindi pa mabatid ang motibo ng pamamaril sa mga parak o kung may kinalaman ba ito sa kampanya ng pulisya kontra droga. Walang pang ibinibigay na pahayag ang hepe ng pulisya sa nasabing lugar, ngunit ang bayan ay kilalang kuta rin ng mga rebelde.
Patuloy ang imbestigasyon sa naganap at pinaghahanap pa rin ang mga sangkot sa atake. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper