KIDAPAWAN CITY – Sugatan ang isang kahera matapos na hagisan ng granada ang kanilang karaoke bar sa bayan ng Polomolok sa South Cotabato province.
Sinabi ng pulisya kahapon na patuloy ang imbestigasyon sa atake at dalawang lalaki na nakasakay ng motorsiklo ang sinasabing nasa likod nito. Naganap ang atake nitong Linggo ng gabi sa DV Videoke Bar sa highway lamang sa Barangay Pagalungan.
Nakilala naman ang biktima na si Annie Atam, 39, ngunit hindi pa matukoy ng pulisya ang motibo sa pagpapasabog. Wala rin umako sa krimen, ayon sa pulisya.
Sinisiyasat ng pulisya kung may kinalaman sa negosyo, terorismo o away ang pambabato ng granada sa karaoke bar. Nasa South Cotabato Provincial Hospital ngayon ang biktima dahil sa tinamong tama ng shrapnel sa katawan. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper