GENERAL SANTOS CITY – Patay ang isang sundalo at sugatan ang 10 iba pa matapos na sumabog ang isang firing fuse ng granada sa kalagitnaan ng kanilang ordnance reconnaissance training sa kampo ng militar sa General Santos City sa Mindanao.
Nakilala ang nasawi na si Sgt. Pableo Balansag at isinugod naman sa pagamutan ang mga sugatan. Nabatid na halos 6 dosena ang nasa naturang training kamakalawa ng maganap ang pagsabog.
Hindi pa mabatid kung bakit sumambulat ang fuse ng granada, ngunit ayon sa 12th Regional Community Defense Group ng Philippine Army Reserve Command ay isang imbestigasyon ang kasalukuyang isinasagawa.
Walang ibinigay na pahayag ang iba pang mga trainor sa naganap na pagsabog. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper