
IPIL (Mindanao Examiner / Oct. 21, 2013) – Patay ang isang motorcycle rider at sugatan ang isa pa matapos na magsalpukan ang dalawa sa highway sa bayan ng Tungawan sa Zamboanga Sibugay province.
Ayon sa pulisya, nagkasalubong sa Barangay Langon ang dalawang biktima at huli na ang lahat upang makaiwas pa sa isa’t-isa.
Dahil sa lakas ng pagkakasalpok ay nasawi agad si Bernie Didal, 30, dahil sa mga pinsalang tinamo sa kanyang ulo at katawan. Samantalang si Joseph Bation, 19, ay isinugod sa Zamboanga Medical Hospital.
Minamaneho ni Didal – na residente ng San Pedro sa Tungawan – ang motorsiklong Rusi na may plakang 3824 JQ at pagaari ni Saturnino Capalac, ng bayan ng Tampilisan sa Zamboanga del Norte. At Honda Wave naman na may pamsamantalang plaka na 091206 ang minamaneho ni Bation at pagaari umano ito ni Timmy Gregorio.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa malagim na aksidente. (Mindanao Examiner)