ZAMBOANGA CITY – Tatlo umanong Malaysian fishermen ang dinukot ng mga armado sa karagatan ng Sabah sa Malaysia at tumakas patungong Tawi-Tawi, isa sa 5 lalawigan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Ayon sa ulat, naganap ang pagdukot di-kalayuan sa isla ng PomPom sa bayan ng Semporna nitong Sabado ng gabi. Nalaman ang pagdukot matapos na humingi ng saklolo kahapon ang may-ari ng trawler sa Sabah police.
Nabatid na may 11 crew ang trawler at dinukot ng mga 7 armado ang kapitan nito at dalawang iba pa. Agad rin tumakas sakay ng kanilang berdeng speedboat ang mga armado at tangay ang kanilang 3 bihag.
Walang umako sa pagdukot, ngunit naganap naman ito sa kabila ng pinaigting na opensiba ng pamahalaan kontra Abu Sayyaf sa Sulu at Basilan na bahagi rin ARMM, ngunit hinihinalang nakabase sa Tawi-Tawi ang mga ito.
Hiniling naman ni ARMM Gov. Mujiv Hataman sa militar at Abu Sayyaf na bigyan ng puwang mga Muslim na gunitain ang Eid’l Adha ngayon Lunes upang makapag-dasal ang mga ito ng walang pangamba. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper