
DIPOLOG CITY (Mindanao Examiner / Oct. 20, 2013) – Sugatan ang isang lalaki matapos barilin ng di-kilalang salarin sa Dipolog City sa Zamboanga del Norte province sa Mindanao.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rodello Tulang, 26, at nabaril umano ito sa harapan ng Sunflower Refreshment Parlor sa Velasco Street. Agad naman tumakas ang salarin matapos nitong paputukan si Tulang ng dalawang beses sa katawan.
Agad naman naisugod sa pagamutan ang biktima na umano’y lango sa alak ng ng barilin. Hindi pa mabatid ang motibo sa pamamaril at patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap.
Nabawi naman ng mga imbestigador ang basyo ng .45-kalibre pistol sa nasabing lugar. Walang sinabi ang pulisya kung may nakasaksi sa naganap, ngunit talamak rin ang barilan sa Dipolog at karamihan sa mga kaso ay hindi pa rin nareresolba. (Mindanao Examiner)