
Ito ang Barangay Bulalo sa bayan ng Sultan Kudarat sa Maguindanao province matapos ng ilang araw na pag-buhos ng malakas na ulan. (Mindanao Examiner Photo – Mark Navales)
MAGUINDANAO (Mindanao Examiner / Oct. 10, 2013) – Muling lumubog ang malaking bahagi ng lalawigan ng Maguindanao matapos ng walang humpay na pagbuhos ng ulan sanhi ng masamang panahon na dulot ng Intertropical Convergence Zone.
Sa bayan ng Sultan Kudarat ay lampas dibdib ang baha ng umapaw ang ilog sa lalawigan at tulad sa mga nakaraang bagyo ay libo-libong pamilya at ari-arian na naman ang nasalanta ng matinding pagbaha.
Sinabi ng Department of Social Welfare and Development na mahigit sa 90,000 katao ang apektado ng pagbaha sa Mindanao at ilang bahagi ng Visayas na kung saan ay mahigit sa isang dosenang katao ang nasawi.
Mas matindi ang pagbaha sa Maguindanao kung ihahambing sa Zamboanga City na kung saan ay 5 araw ang itinagal ng pag-ulan. (Mark Navales)