
NORTH COTABATO – Hawak ngayon ng pulisya si Mayor Christopher Cuan ng bayan ng Libungan sa North Cotabato province sa Mindanao matapos na makumpiska kaninang madaling araw ang sari-saring armas sa bahay nito.
Inamin naman ng pulisya na wala silang nakuha na anumang ilegal na droga, ngunit inaalam pa ng mga awtoridad ang legalidad ng mga armas na nasamsam sa pulitiko. Patuloy rin ang imbestigasyon ng pulisya kay Cuan.
Kinumpirma naman ni North Cotabato police chief, Senior Supt. Emmanuel Peralta ang naturang operasyon at may mga search warrants umano sila mula sa korte.
Kamakalawa lamang ay napatay rin ng pulisya si Datu Saudi Ampatuan Mayor Samsudin Dimaukom at 9 na tauhan nito matapos ng umano’y makipagbarilan sa mga parak sa checkpoint ang grupo ng pulitiko sa bayan ng Makilala sa North Cotabato pa rin. (Rhoderick Beñez and Moh Saaduddin)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper