
COTABATO CITY – Ginulantang ng malakas na pagsabog ang lungsod ng Cotabato matapos na sumambulat sa downtown area ang isang rifle grenade, ngunit walang inulat na sugatan o nasawi ang mga awtoridad.
Hindi pa mabatid kung sino ang nasa likod ng pagsabog, ngunit nagdulot ito ng takot sa mga residente ng Rosary Heights nitong gabi ng Enero 11. Sumabog ang rifle grenade sa Gonzalo Javier Street di-kalayuan sa mga hanay ng building sa lugar.
Walang umako sa atake, ngunit ayon sa militar ay isang bala mula sa M203 grenade launcher o M79 ang pinasabog sa lugar.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naganap na halos kasabay lamang ng pagkakadiskubre ng isang bomba sa labas ng isang mosque sa bayan ng Midsayap sa lalawigan ng North Cotabato na ilang beses ng inatake ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/